Ang plaque sa ngipin ay ang malagkit, walang kulay o maputlang dilaw na film na palaging namumuo sa iyong mga ngipin. Kapag naghahalo ang laway, pagkain, at mga fluid, namumuo ang plaque - na nagtataglay ng bacteria - sa pagitan ng iyong mga ngipin at sa linya ng gilagid.
Nagsisimulang mamuo ang plaque sa ngipin 4-12 oras pagkatapos magsepilyo, kung kaya napakahalagang magsepilyo nang mabuti nang hindi bababa sa dalawang beses sa isang araw at mag-floss araw-araw.
Paano Maaapektuhan ng Plaque sa Mga Ngipin ang Kalusugan ng Aking Bibig?
Ang plaque ang ugat na pinagmumulan ng maraming isyu sa kalusugan ng bibig. Ang bacteria sa plaque ay naglalabas ng mga acid na umaatake sa enamel ng ngipin, na nagiging sanhi ng mga sira sa ngipin. Ang bacteria sa plaque ay maaari ding magsanhi ng maagang yugto ng sakit sa gilagid na tinatawag na gingivitis. Maaari ding makadagdag ang plaque sa sanhi ng pagkakaroon ng mabahong hininga at pagiging marumi at madilaw ng iyong mga ngipin.
Ang Plaque sa Mga Ngipin ay Nagsasanhi ng Mga Sira at Gingivitis
Kung hindi regular na aalisin ang plaque sa iyong mga ngipin sa pamamagitan ng wastong pagsesepilyo at pag-floss, magsasamineral ito at magiging tartar, matigas na kulay dilaw o brown na deposito na mahigpit na nakakakapit sa mga ngipin at maaalis lang ng isang dental professional. Kung hindi aalisin ang tartar, maaari itong humantong sa mas malalang sakit sa gilagid.
Paano Mag-alis ng Plaque sa Mga Ngipin
Ang paglaban sa plaque ay ang pinakamahalagang salik sa panghabambuhay na pagprotekta at pangangalaga ng iyong mga ngipin at gilagid.
Your session is about to expire. Do you want to continue logged in?
WARNING! You did not finish creating your certificate. Please click CONTINUE below to return to your previous page to complete the process. Failure to complete ALL the steps will result in a loss of this test score, and you will not receive credit for this course.